LOVE
BEHIND THE LETTER
By:
Ryan Aban
Chapter
1
Good Morning!?
Ano nga palang maganda sa
morning!? Nakakainis. . nabasa pa kasi niya. Siguro kinuha ni Arianne ang
letter. Siya lang naman kasi ang nangingialam ng gamit ko. Nahihiya na talaga
akong humarap sa kanya. Maski magpakita ayaw ko na. .wew!? anu kayang magandang
gawin para hindi kami magkakita? Tssk!! Magkatabi pala kami sa first subject
namen, umabsent na lang kaya ako para di niya ako makita. Naisip ko na madami
pala kaming gagawin ngayong araw kaya hindi pala ako pwedeng umabsent. Haaay!
Ano kaya!? Nag-isip ako. . .
1ng minutong pag-iisip . .
.
2ng minutong pag-iisip . .
.
3, 4, 5ng minutong
pag-iisip . . . Diko napansin na napadpad na pala ako sa bintana ng kuwarto.
Sige na nga papasok na lang ako.
Haharapin ko na lang sya ng sa ganun di na ako mahihiya sa susunod pang-araw.
Pero natatakot ako. Kinakabahan akong magpakita sa kanya, pati na rin sa mga
kaklase ko. Aasarin nanaman nila ako. Hahaha!
Sing wirdo may gusto? Bigla ko na lang naisip. Masama bang mapokus sa
pag-aaral? Okey!? Tama yata sila.
Pumasok ako. Kainis!
Umpisa palang, papunta palang ako, nakita ko siya. Nakatayo sa harap ng
tindahan na kung saan doon una kaming nagkakilala. Tindahan iyon ng mga
cupcakes. Kainis! Paano ako makakapunta sa school, eh wala namang ibang daan
papunta sa school kundi kailangang muna dumaan sa tindahan para makapunta sa
kinaroroonan. Haaay! Kailangan kong mag-isip ng paraan.
[isip-isip-isip]
1ng minuto . . .
2ng minuto . . .
3, 4, 5ng minuto . . .
Alam ko na!!
Lumabas ako sa
macdonalds, suot ang wig na kulot-kulot at shades na talaga namang matatakpan
ang kagwapuhan ko . . . Haha! “Nakapagbiro
pa sa lagay na to. Siguro naman di na ako makikilala, bumili pa naman ako.
Sayang pera ko kapag nakilala pa ako”. Dire-diretso akong naglakad patungo
sa school. Kinakabahan at ni minsan hindi ko nilingon si Jhoyce, natatakot kasi
ako na baka mahalata nya ako.
***
Haaay! Salamat nakahinga rin
ako ng malalim! Kala ko makikita at malalaman niya na ako ang nakasuot ng
nakaka-disguise na damit. Kahit napilitan lang ako isuot iyon kasi
malayong-malayo sa itsura ko. Katamtaman lang naman ang tangkad ko. Maputi sabi
ng ibang tao. Medyo singkit, bilog ang mukha at medyo long ang hair ko. Hahaha!
By the way, biglang napaisip ako. . . Bakit kaya nandun si Jhoyce? Na para bang
may kung sinong hinihintay. Hinihintay ba niya ang boyfriend niya? Haaay!
Naku!! Nakakaloko naman . . Hindi pala kailangang mag-expect na ako yung
hinihintay niya. Dahil simula nang nagka-boyfriend siya ay parang nakalimutan
na namin na magkaibigan pala kami. Namiss ko na tuloy ang mga araw na hinihintay
niya ako sa tuwing nauuna siya at hihintayin ko siya kung mauna man ako. Haaay!
Naku! Simula din pala nun ni hindi niya na ako tinawag sa pangalan ko.
Hoy!! Ano? Sasabay ka ba sa
amin ni Reniel? Tara na . . .
Baka magalit yun sa akin. . .
hoy ano!?
[Biglang
nag-flashback] Bigla ko na lang naisip ang huling araw na kinausap niya ako.
Huling araw na kung saan ay nawindang ako. . .
***
Break Time na . . .
Masayang
naghiyawan ang mga kaklase ko. Bukod sa kainan na ay dito namin makakasama ang
aming mga minamahal. Merong mga magkakaibigan. Meron rin namang mag-girlfriend
o magboyfriend. Dito lang kasi ang oras ng bonding. Oras na kung saan,
nagtatawanan, nagkukwentuhan tungkol sa bagong chikka at higit sa lahat ay mga
may magkarelasyon na nagsusubuan na parang wala nang bukas. Samantala ako,
malungkot, mag-isa, at nagseselos sa taong mahal ko. Nagseselos habang nakikita
ko siyang masaya sa piling ng iba. Haaay! Dati laging nakukumpleto ang araw ko,
pero ngayon au humihiling na SANA NGA mangyari ulit yon . . .
***
Nagturo ang teacher ko. . .
hanggang sa last subject namen nagkakailangan pa rin kami. Di ko alam kung
guilty ako sa sulat na nabasa niya o dahil alam ko na alam niya na. Alam nya na
may gusto ako sa kanya. Pipilitin ko na lang na iwasan sya. Pipilitin ko ring
kalimutan siya at baka patuloy pa akong mahulog sa kanya.
Uwian na . . .
Mabilis akong lumabas ng pinto . .
. umuwi ako kaagad. Ayaw kong magpakita sa kanya dahil sa nararamdaman ko.
-Jhoyce POV-
Anu ba tong papel na to!? Ang
dumi-dumi. Saan ba to nanggaling? Pero infairness sa sulat na to . . . may laman at ang ganda ng sulat. Ba’t
ba napunta napunta to sa bag ko? Sinong naglagay nito!? [binuksan ko ang papel]
Dear Jhoyce . . .
Ano to? Bakit pangalan ko ang
nakalagay dito! Sinong sumulat nito? Kinakabahan ako at may konting excitement
. . . ewan ko kung bakit. Siguro, baka sulat to ng mama ko galing probinsya. .
o kaya naman sulat ng isang mahalagang kaibigan. Pagkatingin ko sa ilalim ng
sulat ay may nakalagay na “nagmamahal, Ryan Aban”
Totoo ba to!?
Tanong ko agad sa sarili ko.
Hidi ko akalain na isang katulad ni Albert Einstein na lalaki ay magsusulat ng
ganito sa akin. Kung sa bagay, he’s cute
and very genius. Sa totoo lang, gusto ko siya pero nahihiya ako. Kaya nga
nahihiya akong lumapit sa kanya, haaay! Anong gagawin ko . . . hamaiak na isa
lamag akong simpleng babae, BOBO, kundi alam lang ligawan dito ligawan doon . .
heheh . . . Lagi nga akong pinapagalitan ng professor namin eh. . . simple lang
naman ako. Sumusunod sa uso kaya laging bumibili ng gamit. Di naman katangusan
ang ilong ko. Medyo matangkad at maputi ako na nababagay sa akin, haaay! naku .
. . Naiinlove yata ako sa kanya. Nag-aalala na ako para sa nararamdaman ko.
Hindi ako pwedeng mainlove sa kanya. Mayroon na’ko. Isa pa, masyado siyang
matalino at maraming nagkakagusto sa kanya. Magkaibigan lang kami eh. Kuntento
na ako. Dapat pala di ko nalang binasa to. Nahihiya na ako. Lalayo na lang ba
ako?
Mabilis akong pumunta sa lugar
kung saan matatagpuan ko siya. Pero bakit wala siya? Bakit wala akong makitang
kumha ni Ryan? Nahihiya ba siya? Dahil nabasa ko na yung sulat niya o kaya
naman ayaw niya na sa akin. Haaay! naku bakit wala siya? Sino ’tong lalakeng
parang ngayon ko lang nakita. Grabeng kulot niya. Grabe ring laki ng salamin
niya halos matakpan na ang mukha niya. By the way tama na nga ang
pagki-critisize ko. Pasok na lang ako ng school.
Breaktime . . .
Kasama ko na naman ang wala
kong kwentang B.f. Nalulungkot ako para sa kanya. Nag-iisa at malungkot siya.
Walang kasabay kumain ni walang lumalapit sa kanya. Tabihan ko kaya siya? Ayt!
Nandito pala B.f. ko. Pinokus ko na lang
ang sarili ko sa aming dalawa ng B.f ko. Pinilit kong maging masaya at sinubo ko ang pagkain na
pilit ni Reniel na isubo sa akin. Napilitan lang ako. Nakokonsyensya sa
ginagawa ko.
Next subject . . .
Nagturo ang prof . .
-Reniel’s POV-
Haay! Tapos na rin ako sa
gawain ko. Makapasok na nga lang, namimiss ko na kasi ang mahal kong si Jhoyce,
baka mag-alala na rin yun sa akin. Sabihin pa nun pinag-aalala ko siya. Baka
miss na rin ako nun . . .
Pumasok na ako sa School .
. .
Nasaan kaya si Jhoyce?
·
Pre! Si Jhoyce, nakita mo ba? Tanong ko
sa kaklase ko.
·
Reniel, di ko alam eh, hanapin mo na
lang . . sagot niya . . .
Dahil namiss ko siya. Hinanap ko siya kung saan-saan. Pumunta ako sa
canteen kung saan madalas siyang kumakain. Sa C.R ng girls na kung saan nagdala
pa ng kahihiyan sa pagkalalaki ko. At sa library na madalas siyang tumatambay
na kung saan madalas niyang nakakasama ang mga kaibigan niya. Halos nalibot ko
na ata ang buong school, pero wala akong nakitang Jhoyce. Pumasok na lang ako
sa room. Doon ko na siyang nakita at nakaupo. Dumating na ang prof namin at
nagturo.
Breaktime na . . .
Nilapitan ko si Jhoyce upang sabay na kami pumunta at kumain. Ang saya
ko talaga kapag kasama ko siya. Walang humpay na kasiyahan. Halos humihinto ang
mundo ko kapag kasama ko siya. Tawanan dito, yakapan dito at subuan dito.
Haaay! wala na akong hahanapin pa kundi nasa kanya na lahat ang gusto ko.
Next subject . . .
Uwian na . . .
Pinuntahan ko agad si Jhoyce para
sabay na kami umuwi. Ihahatid ko na lang siya para mas safe ang uwi niya.
-Arianne’s POV-
Tapos na rin ang
training namin. Kapagod talaga maging volleyball player. Puspusan training
namin. Malapit na kasi ang gaganaping contest sa ibang school eh. Kaya
kailangang magpraktis para manalo.
Simple lang naman ako. May bangs, palakaibigan at humihiling ng perfect
na tao para sa akin. Haaay! Di naman ako katangkaran pero, ewan ko . . . kung
bakit may gusto ako kay Ryan. Samantalang maraming nagkakagusto sa akin.
Hahaaay! Ano ba’tong imahinasyon ko. Maganda ba talaga ako?
Nagpahingan kami
saglit. . . at pumasok na rin . . .
Pumasok ko ng room, wala pa rin ang
lalaking pinagpapantasyahan ko, san kaya yun pumunta? O late na naman yun. Dito
nga lang muna ako. Magpapahinga at hihintayin ko na lang siya dumating.
Maya-maya pa ay . . . . .Pumasok na ang hinihintay ko. As usual, walang araw na
hindi ginagawang pagbabasa habang naglalakad. Shiii!! Ang cute niya talaga! Ganda ng hair niya.Bagay na bagay sa kanya.
Sabay hawi ni Ryan sa kanyang buhok. . lalo tuloy akong naiinlove. Sinundan
ko naman ito ng tingin habang papunta ito sa kanyang upuan. Haaay! Naku Ryan!
Wala pa rin sa kanyang nagbago. Isa ka pa ring mala-anghel, walang kupas
talaga. . .
Grabeh! Nahahalata ko siyang tingin
ng tingin kay Jhoyce. Ano kaya ang meron sa kanyang wala sa akin? Sana mapansin
din niya ako. Sana nga dumating na ang prof. namen at magturo dahil masasaktan
lang lalo ako.
Breaktime . . .
Lalapitan ko sana si Ryan ng bigla
itong lumabas ng pintuan. Sayang naman, gusto ko sana siyang sabayang kumain
kasi nalulungkot akong nakikita siayng kumain mag-isa. Kaso ayon!! Ang bilis
niyang lumabas ng pinto. As usual na gawain niya . . . Mag-isa at walang
kasama. Lalapitan ko sana siya kaso galit naman sa akin yon! Bukod kasi sa
maingay ako ay ayaw niya ng babaeng aral ng aral, katulad niya o kaya hindi
mahilig sa sports. . Shiit natamaan ako!!
Ayaw ko na . . Jowk! Mahal ko siya. pero kung sakaling manligaw sa akin si
Ryan ay igigive-up ko ang sports ko. By the way, nalulungkot ako sa kanya. . .
.
Uwian na . . . .
Nilingon ko si Ryan, pero wala na ito agad. Di ko alam kung may problema
ba ito kung bakit umuwi siya agad. Oh! Kaya naman ay gusto niya lang mapag-isa.
Umuwi na ako at nakalarawan pa rin ang mukha ni Ryan sa akin. .
END OF CHAPTER ONE …
<abangan ang next chapter>